Mga naaresto dahil sa online scam, overpricing sa gitna ng pandemic, halos 500 na: Lopez

Mga naaresto dahil sa online scam, overpricing sa gitna ng pandemic, halos 500 na: Lopez

May 21, 2020 @ 3:43 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Halos 500 katao na ang naaresto dahil sa scam at overpricing sa pagbebenta online mula sa mga buy-bust operation sa gitna ng quarantine period, ayon kay Department and Trade Industry (DTI) Secretary Ramon Lopez nitong Huwebes, Mayo 21.

 

Ayon sa kanya, nakikipagtulungan ang ahensya sa intelligence team mula sa Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng Philippine National Police at National Bureau of Investigation (NBI).

 

“Minsan po nagba-buy bust pa ang aming team. Aside from DTI, meron po tayong intelligence group from PNP-CIDG at NBI,” pahayag ni Lopez sa isang panayam sa telebisyon.

 

“Dahil po naging successful naman ang ating campaign, kulang sa 500 na po ang nahuli diyan,” dagdag pa ng kalihim.

 

Ayon kay Lopez, karamihan sa mga paglabag ay may kaugnayan sa pagbebente ng peke o below standard na mga produkto at overpricing.

 

Hinikayat ni Lopez ang publiko na mag-report sa DTI kung naka-engkwentro ang mga ito ng kaparehong karanasan sa kanilang pagbili sa consumer hotline na 1-384.

 

Nitong Abril, sinabi ni NBI Cybercrime Division chief Victor Lorenzo na tumaas sa 100 porsyento ang mga insidente ng cybercrime sa Pilipinas sa gitna ng enhanced community quarantine. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Loading...