Home NATIONWIDE Mga nag-consolidate sa PUV modernization program sa Metro Manila, malapit na sa...

Mga nag-consolidate sa PUV modernization program sa Metro Manila, malapit na sa 100% – LTFRB

MANILA, Philippines – TINIYAK ng Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na may sapat na public transport vehicles sa Kalakhang Maynila, may 97.18% ng registered units ng public utility jeeps ang nag-consolidate ng kanilang prangkisa sa Metro Manila noong 2023.

Sa press briefing sa Malakanyang ukol sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), tinanong ang mga transport officials kung may sapat na sasakyan na magseserbisyo sa publiko matapos na mahigit sa 70% ng transport franchise ang nag- consolidate sa buong bansa.

“I’d like to go beyond po doon 70-30 percent, because we have to consider if iyong 70 percent would already be sufficient—I’m speaking for NCR (National Capital Region) po,” ayon kay LTFRB regional director Zona Russet Tamayo.

“When we map out the routes in NCR majority po ng ating main thoroughfares ay may nag-consolidate or may mag-o-operate na transport, public transport po it’s in other modes perhaps buses, UVs and even jeepneys,” aniya pa rin sabay sabing “Based on the available data, 97.18 percent of the registered units of PUJs for 2023 have actually consolidated in Metro Manila.”

Base naman sa LTFRB route mapping, tinuran ni Tamayo na malakas ang paniniwala ng ahensiya na walang magiging problema pagdating sa public transport.

Aniya pa, mayroong contingency plans ang LTFRB sakali’t may umusbong na mga hamon.

“Right now, as mentioned po ng ating chair sa MMDA, we have coordinated po with MMDA as well as with different LGUs in case that there would be need. But right now po we’ve map out for NCR and we already determine that there will be sufficient supply po,” ani Tamayo.

Winika pa nito na ang NCR routes na hindi kinonsolidate (consolidated) ay iyong mga kinonsiderang short distance routes. Subalit, sinabi nito na may ibang ruta na magko-cover sa mga “short distances.”

Ang paliwanag pa ni Tamayo, nagbigay ng deadline ang gobyerno ng hanggang Disyembre 31 para sa consolidation at nagpalabas naman ang LTFRB Board ng akmang circular para sa non-consolidating franchises.

Tinuran ni Tamayo na ia-assess nila ang unang bahagi ng Enero kung ang ruta ay nakakuha ng 60% consolidation, mas mababa sa 60% o “no consolidation at all.”

“This we’re doing for January. And then, once po na nakita natin at mayroon na pong ilalabas na datos po ang LTFRB for that on the routes pertaining to the percentage of consolidation, then we’d move to the next stage which is iyon hong hindi nag-consolidate will no longer be allowed to run the routes, except po if as we see, as we analyze po, there might be the need,” paliwanag nito. Kris Jose

Previous articleMga tsuper na maaapektuhan ng PUV modernization program, tutulungan ng DOTR
Next article2 tulak timbog sa P2.5M shabu sa Caloocan