Mga naglalaro ng online games, dumarami sanhi lockdown

Mga naglalaro ng online games, dumarami sanhi lockdown

March 25, 2020 @ 3:40 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Hong Kong — Matapos makansela ang La Liga match at dalawang Spanish footballers ang nagkaroon ng kontrol sa “FIFA 20”, ipinalabas ang laro online kunsa saan tinatayanf stadium-sized virtual audience ang nanood online.

Parte ito ng pagdami ng digital gaming industry, bilang uri ng “distraksyon” sa mga tao sanhi ng nagaganap ngayon na krisis sa kalusugan bunsod ng COVID-19 pandemic.

Ipinakita sa sikat na video game streaming platform Twitch kung paano napagtagumpayan ni Real Betis striker Borja Iglesias ang laban kontra Sevilla sa 6-5 na laro.

Naganap ito kaparehas ng oras kung kailan nakatakda ang laban, bago ang pagpapaliban ng Spain sa laro bilang bahagi ng kanilang hakbang upang pigilan ang pagkalat ng virus.

“We do all of this to entertain all of you, so that you can be at home enjoying it, insofar as it is possible with this epidemic,” ayon sa host kung saan inihayag niya ito sa kanyang manonood na nasa 60,000 na bilang.

Dahil sa online gaming, nagkaroon ng malaking pagsasama-sama ang mga taong kapwa nakakaranas ng restriksyon, kanselasyon ng nga pagtitipon at mga balita tungkol sa pandemic.

“It made me feel less depressed about being in a small space for a long time,” kwento ni Yang An na nakaranas ng quarantine sa loob ng dalawang linggo sa China.

Sinabi nitong ginagawa niyang pampalipas oras ang paglalaro ng Nintendo Switch handheld console.

Nagkukumahog din ang mga internet providers na pataasin ang kanilang networks sa kinakaharap nitong pagtaas ng demand.

Minamadali rin ng ilang software companies ang pagtanggap sa higit na bilang ng mga users.

Ang mga online gaming communities ay maaaring “go some of the way to create the public space that’s been lost” ayon sa media studies lecturer specializing in games na si Christian McCrea. Ulat mula sa Agence France-Presse

Share

Leave a Reply

Loading...