Home HOME BANNER STORY Mga nagugutom na Pinoy, dumami!

Mga nagugutom na Pinoy, dumami!

MANILA, Philippines – TUMAAS sa 12.6% noong December 2023 ang pamilyang Pilipino na nakaranas ng involuntary hunger o pagkagutom subalit walang makain kahit isang beses sa nakalipas na tatlong buwan.

Base sa resulta ng survey ng Social Weather Stations (SWS), 2.8 puntos ang itinaas ng involuntary hunger rate noong Disyembre kumpara sa 9.8% noong September 2023.

“It brings the 2023 annual hunger rate to 10.7%, which is one point below the 11.7% average in 2022. However, it is 1.4 points above the pre-pandemic 9.3% average in 2019,” ayon sa SWS.

Sinabi pa ng SWS na ang “Moderate Hunger” ay tumutukoy sa mga nakaranas ng gutom “isang beses” o “ilang beses” sa nakaraang tatlong buwan habang ang “Severe Hunger” ay tumutukoy naman sa nakaranas na pagkagutom “madalas” o “palagi” sa nakalipas na tatlong buwan.

Sa nakalipas na tatlong buwan, ikinumpara ang data mula Setyembre, sinabi ng SWS na ang insidente ng pagkagutom ay umakyat ng 5.3 puntos sa Mindanao, 4.0 puntos sa Balance Luzon, at 2.6 puntos sa Visayas. Batay sa data sa Kalakhang Maynila, bumaba ito ng 4.6 puntos.

‘The rate of Total Hunger (percentage of Moderate plus Severe) spiked among the Self-Rated Poor participants, from 7.7% in September 2023 to 20.1% in December 2023. The rate, however, fell among the Non-Poor from 10.4% to 5.9%,” ayon a SWS.

Ang nasabing survey ay isinagawa mula Dec. 8 hanggang 11 sa pamamagitan ng face-to-face na panayam sa 1,200 adult Filipino.

Ang sampling error margins ay ±2.8% para sa national percentages, ±5.7% bawat isa para sa Kalakhang Maynila, Balance Luzon, Visayas, at Mindanao. Kris Jose

Previous articleUFC middleweight crown inagaw ni i Du Plessis kay Strickland
Next articleKaso vs ex-SRA admin pinagtibay ng OMB