Home OPINION MGA NAKATATANDA PINAYUHAN NA MAGPABAKUNA KONTRA PNEUMONIA

MGA NAKATATANDA PINAYUHAN NA MAGPABAKUNA KONTRA PNEUMONIA

NAGBIGAY paalaala ang PSMID o Philippine Society for Microbiology and Infectious Diseases sa mga nasa edad 50 years old na magpabakuna kontra pneumococcal diseases.
Ang pneumonia ay resulta ng pneumococcal infection ay sanhi ng bacteria na tinatawag na “streptococcus pneumonia”, pero may iba ding uri ng bacteria na nagdudulot ng pneumonia katulad ng viruses at fungi.
Nagdudulot ng pamamaga ng mga tissues ng baga at magsisimulang magpakita ng sintomas ng pneumonia sa loob ng 24 na oras hanggang 48 na oras kabilang ang pag-ubo, hirap na paghinga, mabilis na tibok ng puso, at pananakit ng dibdib.
Sa datos ng PSA o Philippine Statistics Authority, ika-anim na sanhi ng kamatayan ang pneumonia sa bansa.
Kasama sa pag-iwas sa sakit na pneumonia ang pagpapabakuna, maayos na kapaligiran na nasusukat upang ihiwalay ang may sakit. Pag-iingat, pagmamatyag, pag-aaral, at makisangkot sa pag-iwas sa impeksyon.
Ayon naman sa mga eksperto, sanhi rin ng kamatayan ng mga bata ang pneumonia na pumapatay ng 700,000 mga bata na ang edad ay mas mababa sa limang taong gulang kabilang din ang 200,000 na mga kasisilang pa lamang na sanggol base sa UNICEF o United Nations International Children’s Fund. Ibig sabihin, isang bata ang namamatay sanhi ng pneumonia sa bawat 43 seconds.
Pero napapababa ng immunization ang taas ng pagkahawa sa pneumonia.
Kaya iginiit ng mga eksperto ang pagpapabakuna ng mga sanggol mula dalawang buwan hanggang sa 65 years old o mas mataas pang edad, lalong higit na ang may mga mahinang immune systems, at may chronic health conditions na naaapektuhan ang puso at baga.
Kadalasan ay libre naman ang bakuna sa mga pampublikong ospital, health centers, pharmacies, at mga community drug store.
Malaking tulong ang “Immunizing Pharmacist Certification Program” ng Philippine Pharmacists Association kung saan ay binigyan ng kasanayan ang mga pharmacist na karagdagan sa network ng allied health care professionals.

Previous articleClarin, Pacquiao nagpartisipa sa YGG Web3 Games Summit
Next articleSA KAPAYAPAAN AKO PERO ‘DI KO MAIWASANG MAGDUDA