Home METRO Mga nakumpiskang paputok sa Cavite, winasak

Mga nakumpiskang paputok sa Cavite, winasak

MANILA, Philippines – Nasa halagang P325,000 na mga nakumpiskang illegal na paputok mula sa iba’t-ibang bayan at lungsod ang winasak ng Cavite Police sa loob ng Camp Gen. Pantaleon Garcia sa Imus City, Cavite.

Kabilang sa mga sinira ang boga, kwitis, lusis, baby rocket, piccolo, sinturon ni Hudas, fountain, roman candle, goodbye Philippines at 5 star na kabilang sa mga kinumpiska sa iba’t-ibang bayan sa nasabing lalawigan.

Kinumpiska ang naturang mga paputok dahil sa kawalan ng kaukulang permit ng mga nagbebenta nito batay sa umiiral na umiiral na ordinansa at maging sa Provincial Police Office.

Inaasahan din na magkakaroon ng tradisyunal na paputok sa ilang bayan at lungsod kaya naman nagtalaga ng community firecracker display zone at naglalagay din ng mga kawani ng Bureau of Fire Protection at lokal na pulisya sa mga lugar para masiguro ang seguridad at kaligtasan ng mga gagamit ng paputok.

Sa kasalukuyan ay may 15 na naitalang firecracker o pyrotechnic related insidente ang cavite PPO mula sa Bacoor (7), General Trias (2), Imus, Cavite City (2), Trece Martires City (1) at General Mariano Alvarez. Margie Bautista

Previous articlePamilya sa New York, patay sa murder-suicide incident
Next articlePamahalaan nagbigay ng P153B subsidiya sa GOCCs mula Enero ‘gang Nobyembre