Home NATIONWIDE Mga nasunugan sa QC, tinulungan ni Bong Go

Mga nasunugan sa QC, tinulungan ni Bong Go

115
0

MANILA, Philippines- Personal na tinulungan ni Senator Christopher “Bong” Go ang mga pamilyang nasunugan mula sa Barangay Apolonio Samson at Roxas sa Quezon City noong Miyerkules.

Kasabay nito, hinimok ni Sen. Go ang mga residente sa dalawang barangay na gamitin ang mga serbisyong inaalok ng Malasakit Centers, kung sakaling magkaroon ng emergency o alalahaning nauugnay sa medikal.

Sa kanyang mensahe, nag-alok din si Go, tagapangulo ng Senate committee on health and demography, ng karagdagang tulong sa mga nangangailangan ng medical healthcare at hinikayat silang bisitahin ang alinman sa 11 Malasakit Centers sa Quezon City.

Sa kasalukuyan, may 154 Malasakit Centers na sa buong bansa.

“Ito ay isang one-stop shop. Nasa loob na ng ospital ‘yung apat na ahensya ng gobyerno – PhilHealth, Philippine Charity Sweepstakes Office, Department of Health, at Department of Social Welfare and Development. Ang Malasakit Center po, para po ‘yan sa mga poor and indigent patients, para po ‘yan sa Pilipino,” ayon kay Go.

Si Go ang principal author at sponsor ng Malasakit Centers Act of 2019.

Sa Quezon City, ang mga pasyente ay maaaring humingi ng serbisyo ng Malasakit Centers sa Lung Center of the Philippines, Novaliches District Hospital, Philippine Heart Center, Philippine Children’s Medical Center, National Kidney and Transplant Institute, East Avenue Medical Center, Veterans Memorial Medical Center, Philippine Orthopedic Center, National Children’s Hospital, Philippine National Police General Hospital, at Quirino Memorial Medical Center

Sa nasabing pagbisita, namahagi si Go at ang kanyang team ng mga relief items, kabilang ang mga grocery packs, kamiseta, meryenda at masks sa 600 apektadong pamilya ng Brgy. Apolonio Samson sa Masambong Elementary School at 94 apektadong pamilya sa Brgy. Roxas sa Brgy. Roxas Multi-Purpose Building. Namigay rin sila ng mga bisikleta, cellular phone, sapatos, bag, relo, at bola para sa basketball at volleyball.

Bukod dito, ang mga kinatawan mula sa Department of Social Welfare and Development ay namahagi ng cash assistance sa mga pamilya upang makatulong sa kanilang pagrekober.

Nagsagawa naman ng assessment ang isang team mula sa National Housing Authority para matukoy ang mga kwalipikado para sa housing aid.

Sa hangaring ma-institutionalize ang mga programa sa pabahay para sa mga biktima ng sunog at natural na kalamidad, inihain ni Go ang Senate Bill Nos. 192 at 426.

Ang SBN 192, o Rental Housing Subsidy Program, ay naglalayong mabigyan ng sapat at maayos na tirahan ang mga Pilipinong apektado ng mga sakuna sa pamamagitan ng rental subsidies mula sa gobyerno.

Sa kabilang banda, ang SBN 426 o ang National Housing Development, Production and Financing Program ay layong paramihin ang produksyon ng pabahay sa pakikipagtulungan sa stakeholders.

Pinasalamatana ni Go ang mga lokal na opisyal ng Quezon City sa pagbibigay sa mga nasasakupan ng kinakailangang suporta. Tiniyak din niya na laging bukas ang kanyang tanggapan para sa pagtulong.

“Sa mga kababayan ko, nandirito lang po ako. Trabaho naman namin bilang senador ang constituency services, legislation at representation,” ani Go.

“Kung kaya lang po ng aking katawan at panahon, pupuntahan ko po kayo para makatulong sa abot ng aking makakaya, makapagbigay ng solusyon sa inyong mga suliranin at sa panahon ng pagdadalamhati,” anang senador.

Matapos ang mga aktibidad sa Quezon City, tumuloy si Go sa Imus, Cavite para inspeksyunin ang progreso ng Super Health Center doon at magbigay ng katulad na tulong sa mga nasunugan at mga mahihirap. RNT

Previous article3 senador umalma sa Cha-Cha ni Padilla
Next articleSpecialty hospital sa bawat rehiyon itinutulak sa Kamara