Home HOME BANNER STORY Mga negosyo itinayo rin sa Mt. Apo – Tulfo

Mga negosyo itinayo rin sa Mt. Apo – Tulfo

MANILA, Philippines – Matapos ang viral resort sa Bohol, ibinunyag ni Senator Raffy Tulfo na may mga business establishment na rin na itinayo sa protected area ng Mt. Apo sa Davao City.

Sa isang press conference, sinabi ni Tulfo na nakipag-usap na siya sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) na nagsabing binigyan lamang ng dalawang taon ang mga establisyimento para mag-operate.

“Mayroon kaming natumbok, hindi lang sa Bohol, maging sa Mt. Apo sa Davao, ganun na rin ang nangyari,” anang senador.

“Between the buffer zone, naglipana na parang kabute ang iba pang istruktura ng mga negosyo na bawal dapat, because that’s a protected area. In fact, inamin ng DENR nung tinawag namin ‘yung DENR, inamin nila at binigyan daw nila ng two years na palugit yung iba doon para alisin na,” giit ni Tulfo.

“In the first place, bakit pinayagan? Dapat hindi naman pinatayo. Ngayon nandyan na sila, nabastos na ang kalikasan. Bibigyan pa ng 2 years, dapat agad-agad ang closure, kaya sa susunod na hearing,” aniya pa.

Bukod dito ay wala nang ibinigay na ibang detalye ang senador. RNT

Previous articleTulfo: P90M ‘investment’ tinaya sa lotto kumubra ng P600M
Next articleIRR ng No Permit, No Exam Prohibition Act dapat palakasin