Mga OFWs na tumakas sa quarantine facilities sa MM, tinutugis na ng PCG

Mga OFWs na tumakas sa quarantine facilities sa MM, tinutugis na ng PCG

May 17, 2020 @ 11:21 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Tinutugis na ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na nagpositibo sa coronavirus disease o COVID-19.

Ito ang ibinunyag ni Commodore Armand Balilo, tagapagsalita ng PCG at sinabing kumikilos na ngayon ang Intelligence Division para matunton ang nakatakas na OFWs mula sa hotel sa Metro Manila.

Nangangamba ang PCG na makahawa pa at lalong kumalat sakit dahil sa pagtakas ng mga OFWs na hindi pa matukoy kung ilan.

Noong nakatakas na ang mga OFWs, saka lamang umano dumating ang resulta na may nagpositibo sa COVID-19.

Iniutos na ni PCG Commandant Admiral Joel Garcia ang pagtugis at contact tracing sa mga nakatakas para kunin at muling i-hold sa quarantine facility.

Nagbabala na rin ang PCG sa OFWs na nananatili pa sa quarantine facilities na huwag umalis at sa halip ay sumunod sa mga ipinatutupad na proseso kahit nahihirapan at naiinip na sila dahil kung hindi ay mahaharap sila sa kaso dahil sa paglabag sa quarantine protocol.

Marami na rin ang naisailalim sa polymerase chain reaction (PCR) testing ng Philippine Red Cross at hinihintay na lang ang resulta.

Ang PCG ay kabilang sa Sub Task Force Group for the Repatriation of OFWs na naatasang mangasiwa at magpatupad ng mandatory 14-day quarantine period ng lahat ng repatriated land-bases at sea-based OFWs.

Base sa Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) Resolution No. 23 Series of 2020 na inisyu noong Abril 13, 2020, ang Sub-Task Group ay pamumunuan ng Department of Transportation (DOTr) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).

Bahagi ng Sub Task Force Group, na nasa ilalim ng National Task Force-Task Group on Response Operations, ang PCG, Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Health (DOH), Department of Foreign Affairs (DFA), Department of Interior and Local Government (DILG), Department of Tourism (DOT), Bureau of Quarantine (BOQ), at ang Philippine National Police (PNP). Rene Crisostomo

Share

Comments (3)

  • jofromol5 Reply

    magina kasi ang proseso ng result kailangan kumilis kayo ng ayos alam ko naman ofw din ako pero mabagal ang proseso kaya naalis nalang ang iba nka quarantine ..

    May 18, 2020 at 12:20 am
  • Joseph Reply

    Opo npakabagal month na kmi dito wla pang result.tska unfair po ung mga unanang dumating wla pangresult smantalng ung ibang kararating lng me result agad kung baga sa inventory last in first out?ne wla nga pong mag ttsek kung ok lng ba kmi kung nagkakaksakit ba kmi.wla man lng kumkausap regarding sa result.wla kming clue.nag alala n fam.nmin.bka masiraan na ng kmi ng bait.sumunod nman po kmi sa batas san po kayo din sabi nio 3 to 4 days lng bkit month na wala pa.

    May 18, 2020 at 2:22 am
  • Vin sargs Reply

    Sang hotel po to……may tumakas….walang details po……nakakaduda yang news nyo……dapat may name ng hotel….date and time….drama……drama…..anu wala na ba magawa……may mga mali kasi….

    1.quarantine 14 days…….pero 20 to 60 days pala mali na agad.

    2.swab test sabe ng DOH 3 TO 4 DAYS pero ang totoo week or weeks pa……experience ko yan lahat.

    3.May nauna nang umuwi pero wala pang swab
    Test…….may sumunod nauna pang na test.mali na naman.

    Sa tingen nyo mga sir kaw kaya abutin ng ilang buwan sa quarantine facility kung d ka mabubuang….tapos may coordinator ka pa na wala pakialam…..experience ko rin yan yung coordinator na walang pakialam……

    Please tigil nyo na ang pagharap sa camera….
    Dada kayo ng dada….wala nman gawa……
    Puro prescon
    Puro porma

    May 18, 2020 at 6:58 am

Leave a Reply

Loading...