Home NATIONWIDE Mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa, ‘below normal’ pa rin

Mga pag-ulan sa ilang bahagi ng bansa, ‘below normal’ pa rin

MANILA, Philippines – Mababa pa rin sa normal ang dami ng ulan na ibinubuhos sa ilang bahagi ng bansa, ayon sa PAGASA.

Mula Hunyo 1 hanggang 17, ang ilang mga lugar sa bansa ay nakapagtala ng ‘way below normal’ o ‘below normal rainfall.’

Iilang lugar lamang sa Mindanao ang mayroong ‘near normal’ na dami ng ulan sa nasabing panahon.

Sa ngayon ay umaasa ang bansa sa Southwest Monsoon o Habagat at localized thunderstorm para sa mga pag-ulan.

Wala pang namomonitor na bagyo ang PAGASA ngayong buwan.

Matatandaan na idineklara ang pagsisimula ng tag-ulan noong Mayo 29. RNT/JGC