Home NATIONWIDE Mga pahayag ni Gadon laban kay Justice Leonen, ikinagalit ng IBP

Mga pahayag ni Gadon laban kay Justice Leonen, ikinagalit ng IBP

MANILA, Philippines – Binanatan ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) si presidential adviser Larry Gadon bunsod ng naging pahayag nito na ang pagpapatalsik sa kaniya bilang abugado ay bahagi ng paghihiganti umano sa kanya ni Justice Marvic Leonen.

Sa isang kalatas sinabi ng IBP na walang basehan, malisyoso at malayo sa katotohanan ang pinagsasabi ni Gadon.

Sa isang television interview sinabi ni Gadon na vendetta ang dahilan ng pagpapatalsik sa kanya bilang abugado dahil sa impeachment case na isinampa niya laban kay Leonen.

Tinatarget din umano siya ng Korte Suprema dahil sa pagiging BBM supporter.

“The Supreme Court is a collegial body. It
takes at least one (1) division, or the Court sitting en ban to render a valid judgment. Statements that give the impression that Justices of the Supreme Court can be influenced by one Justice, or that the Supreme Court’s decision is tainted by politics are most unfair and contemptuous,” bahagi ng statement ng IBP.

Maituturing din na ‘contemptuous’ o maharap sa kaso si Gadon dahil sa pahayag nito na maghahain lamang siya ng motion for reconsideration kapag namatay na si Justice Leonen.

“The Integrated Bar of the Philippines (IBP) abhors such unprecedented conduct of a former lawyer. The IBP stands by the Supreme Court as it continues to discharge its constitutionally guaranteed procedures and jurisdiction on matters relating to thediscipline of errant members of the Bar.”

Nakakabahala rin ang pahayag ni Gadon na may mga tauhan mula sa SC ang tumawag umano sa kanya isang araw bago inilabas sa media ang pag-disbar sa kanya para umano makumbinse si Pangulong Marcos at sabihan ang SC na huwsg muna ilabas ang desisyun sa disbarment.

“Such claims are malicious, disrespectful and also contemptuous. His tirades, insinuations and accusations have no place in a civilized and democratic country like the Philippines.”

Nagkaisa ang IBP na dahil sa mga pahayag at asal ni Gadon, malinaw na tama ang naging desisyon ng SC na sibakin bilang abugado si Gadon. Teresa Tavares

Previous articlePagbalangkas sa oil spill contingency plan pinangunahan ng PCG sa Batangas
Next articlePAF, US Air Force nagdaos ng ‘austere’ medical care drills