MANILA, Philippines- Inihayag ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) nitong Miyerkules na nagpapatupad ang mga paliparan nito ng precautionary measures bilang paghahanda sa Bagyong Mawar.
“Airports located within the possible path of Mawar, such as Ilocos region and Cagayan Valley airports, have already conducted pre-typhoon coordination meetings and assessments to gear up for possible weather disturbance,” saad sa abiso ng CAAP.
“Malasakit Help Kits including food packs will also be distributed to affected travelers,” anito.
Sinabi ng state weather bureau PAGASA na humina na si Mawar, inisyal na tinukoy na super typhoon, sa typhoon hanggang nitong Miyerkules ng umaga.
Nananatili si Mawar sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) subalit inaasahang papasok sa PAR ngayong linggo.
Kapagpumasok na ito sa PAR, tatawagin itong “Betty.”
Bukod sa typhoon preparedness plans, nagsagawa rin ang CAAP Tacloban ng regular in-airport incident drill nitong May 23, bilang bahagi ng pagsisikap na tiyakin ang kahandaan tuwing may “unwanted aircraft incidents,” base sa CAAP.
“This comprehensive drill, which is performed every six months, allows airport personnel to practice and evaluate their response strategies, coordination, and communication procedures in simulated emergency situations,” anito. RNT/SA