Home NATIONWIDE Mga pantalan sa bansa muling ininspeksyon sa papalapit na Bagong Taon

Mga pantalan sa bansa muling ininspeksyon sa papalapit na Bagong Taon

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Philippine Ports Authority (PPA) na maayos ang magiging byahe ng mga pasahero ngayong papalapit na ang Bagong Taon ay bugso na ang mga pasahero.

Kasabay nito, nagsagawa ng surprise inspection si PPA General Manager Jay Santiago sa Batangas Port Passenger Terminal ngayong ika-27 ng Disyembre.

Nagtungo rin ito sa gate ng terminal kung saan nagkaroon ng siksikan ng tao sa labas ng terminal ng pantalan bago mag-Pasko.

Kayang tumanggap ng 8,000 pasahero ang terminal dahil ito ay maluwag.

Ayon Kay Santiago, nagiging problema lamang aniya ng karamihan ay online ticketing dahil mabagal ang processing ng mga shipping lines at karamihan ng mga pasahero ay hindi pa rin naka-online booking bago pumunta sa pantalan.

Ang Batangas Port sa ngayon ang may pinakamalaking passenger terminal building para sa mga pasahero kung saan umaabot sa 17,000 hanggang 22,000 ang average passenger nito kapag peak season.

Samantala, normal naman ang operasyon sa Port of Manila, walang mga pasaherong delayed at tuloy-tuloy ang byahe. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleBaguio mayor sa mga residente, turista: Magsuot ng face masks sa pagtaas ng COVID cases
Next articleALAMIN: Fireworks display, firecracker areas sa Caloocan