Home HOME BANNER STORY Mga parak na nagsilbing private escort tinatalupan

Mga parak na nagsilbing private escort tinatalupan

MANILA, Philippines- Iimbestigahan ng Philippine National Police (PNP) ang kamakailang deployment ng Special Weapons and Tactics (SWAT) Team mula sa Batangas sa isang event ng pribadong kompanya sa Pasig City, ayon sa Department of the Interior and Local Government (DILG) nitong Miyerkules.

“Nag-isyu na ako ng direktiba sa Hepe ng Philippine National Police para agarang imbestigahan ito. Aasahan ko ang ulat ng PNP sa lalong madaling panahon,” pahayag ni DILG Secretary Benhur Abalos.

Base sa opisyal, namataan ang Batangas SWAT team sa soft launch ng isang networking company sa Pasig City kamakailan.

Sa mga larawang nakarating sa kanyang opisina, sinabi ni Abalos na nakauniporme ang nasabing SWAT Team at may dala pang mga baril.

“The DILG will not tolerate the deployment of our active police personnel as private escorts or for purely private purposes,” wika ni Abalos.

“Rest assured that, under my watch, our police force is and will remain laser-focused on their legal mandate to ensure peace and order,” dagdag niya. RNT/SA