Home NATIONWIDE Mga pasahero dumagsa sa mga pantalan bago mag-Bagong Taon

Mga pasahero dumagsa sa mga pantalan bago mag-Bagong Taon

MANILA, Philippines – Inaasahang aabot sa 20,000 ang mga pasaherong dumagsa sa Batangas Port nitong Sabado, Disyembre 30.

“Marami siya pag tinitignan po, pag sinumatotal mo. Marami siya, pero di siya bugso [o] dagsa. Hindi katulad nung naranasan natin nung 22 [o] 23,” sinabi ni PPA-PMO Batangas Port Manager Joselito Sinocruz.

Nagpaalala ang pamunuan ng pantalan na ipinagbabawal ang pagdadala ng mga armas, flammable objects, paputok at lighter sa barko.

Ipinagbabawal din ang pagpasok ng mga pato at chicharon sa pier bilang pag-iingat na rin sa African Swine Fever at Bird Flu.

Pagsisiguro ng pamunuan, wala nang delayed o cancelled trips sa mga pantalan ngayong araw. RNT/JGC

Previous article343 NPA-infested communities sa Visayas, nalinis na!
Next articleTraslacion 2024 sa Davao, kasado na!