Home HOME BANNER STORY Mga pinalayang hostage ng Hamas sa Gaza, nadagdagan pa!

Mga pinalayang hostage ng Hamas sa Gaza, nadagdagan pa!

GAZA – Pinakawalan na ng Hamas militants ang ikatlong grupo ng mga hostage kabilang ang apat na anyos na batang Amerikana nitong Linggo, Nobyembre 26 kasabay ng mas marami ring Palestinian prisoners na pinakakawalan.

Ang palitan ay sa ilalim ng apat na araw na ceasefire na nagsimula noong Biyernes.

Ayon sa Israeli army nitong Linggo, 13 hostages ang nakabalik na sa Israeli territory, at apat pa ang patungo nang Egypt.

Inanunsyo ni United States President Joe Biden ang paglaya ng 13 bihag kabilang ang 4-anyos na American girl.

“She’s been through a terrible trauma,” ani Biden, kung saan ang mga magulang nito ay pinatay ng Hamas.

Ang mga pinalaya ay kabilang sa 240 na mga nabihag sa pag-atake ng Hamas noong Oktubre 7 na nagresulta rin sa pagkasawi ng nasa 1,200 Israelies at mga dayuhan.

Matapos ang ikatlong batch ng mga pinalaya nitong Linggo, umakyat na sa 39 ang kabuuang bilang ng mga Israelis na pinalaya sa kasunduan.

Aabot naman sa 78 na Palestinian prisoners ang pinalaya mula sa mga kulungan sa Israel sa nakalipas na dalawang araw.

“Hamas informed the mediators that the resistance movements were willing to extend the current truce by two to four days,” ayon sa isang source.

“The resistance believes it is possible to ensure the release of 20 to 40 Israeli prisoners in that time,” dagdag pa ng mga ito. RNT/JGC

Previous articleUNTI UNTING NALULUSAW
Next articleKASWITIKAN NG CHINA HINDI UUBRA KAY PBBM