Home NATIONWIDE Mga Pinay hinikayat mag-apply ng scholarship para sa ASEAN women sa STEM

Mga Pinay hinikayat mag-apply ng scholarship para sa ASEAN women sa STEM

MANILA, Philippines- Maaaring mabenipisyuhan ang mga kababaihan sa Southeast Asia, kabilang ang Pilipinas, na nais kumuha ng master’s degree sa STEM (Science, Technology, Engineering and Mathematics) fields, sa bagong lunsad na programa ng United Kingdom.

Nilalayon ng programang ASEAN-UK SAGE Women in STEM Scholarships, “to address gender disparities in STEM education and employment within ASEAN countries and Timor-Leste,” ayon sa pahayag ng British Council.

Bibigyan ng proyekto ang 11 matagumpay na kababaihang applicants mula sa 10 ASEAN member states at Timor-Leste ng fully funded one-year opportunity para sa master’s degree sa University of Warwick o Imperial College London.

Saklaw ng scholarship ang stipends, travel costs, visas at health coverage fees bukod pa sa tuition fee.

“We take pride in taking the lead in implementing the ASEAN-UK SAGE Women in STEM Scholarships, aligning with the UK’s priority to support women, girls and marginalized communities. We hope that this program opens more doors that would lead to meaningful impact, empowering women and advancing diversity and excellence,” pahayag ni British Council Philippines Director Lotus Postrado.

Susuportahan din ng proyekto ang inspirational advocates at role models para sa mga kababaihan sa STEM.

Bukas ang aplikasyon para sa ASEAN-UK SAGE Women in STEM Scholarships at British Council Scholarships for Women in STEM hanggang kalagitnaan ng Abril ngayong taon.

“We invite Filipino women to seize this opportunity and play a leading role in driving forward innovation, shaping our shared future,” ani UK Ambassador to the Philippines Laure Beaufils. RNT/SA

Previous articleKapasidad na resolbahin financial cybercrimes tiniyak ng PH gov’t
Next articleHacking, data breach sa gov’t agencies pinatatalupan sa Kamara