MANILA, Philippines – UMAASA ang 46% ng mga Filipino ng malaking benepisyo mula sa panukalang Maharlika Investment Fund(MIF).
Sa katunayan, sa resulta ng survey na ipinalabas ng Social Weather Stations (SWS), araw ng Huwebes, makikita na sa 46% ng mga Pinoy na umaasa ng malaking benepisyo, 14% ang umaasa ng sobrang laking benepisyo at 32% ang umaasa ng malaking benepisyo mula sa MWF.
Layon nito na i-optimize ang national funds sa pamamagitan ng pag-generating ng returns para suportahan ang economic goals ng administrasyon.
Sa nasabing 51% ng mga filipino, 37% ang nagsabing maliit na benepisyo lang ang inaasahan nila mula sa MWF habang 14% ang nagsabing halos wala silang inaasahang magiging benepisyo mula rito.
Ang SWS poll ay isinagawa mula Marso 26 hanggang 29, sa pamamagitan ng personal na pakikipanayam sa 1,200 indibidwal na ang edad ay 18 pataas, 300 kada sa Kalakhang Maynila, Balance Luzon, Visayas at Mindanao
at may sampling error margin na ±2.8%.
Sa survey pa rin, nakapagtala ito ng 31% sa nagsabing tiwala silang hindi mauuwi sa korapsyon ang MWF habang 29% ang hindi masyadong tiwala hinggil dito.
Ibinahagi rin ng SWS na 47% ng mga Pinoy ang halos wala o walang kaalaman tungkol sa MIF.
Sa ulat, sinabi ni Senador Mark Villar, sponsor ng Maharlika Investment Fund (MIF) bill sa Senado na kabilang sa mga benepisyong hatid ng MIF ay mas maraming trabaho para sa mga Pilipino dahil magbubunga ito ng mas maraming infrastructure projects.
Maitataguyod rin ang economic growth dahil ang mas mainam na imprastraktura ay magdudulot ng mas episyenteng transportasyon, komunikasyon at iba pang sistema sa bansa.
Inaasahan ring mapapababa nito ang kahirapan dahil matutulungan ng MIF ang pamahalaan na mapangasiwaan ang budget at ang anumang fiscal pressure bilang ang ipinapanukalang pondo ang magsisilbing safety net ng Pilipinas.
Maaari ring gamitin ang MIF sa pamumuhunan sa ibang sektor gaya ng agrikultura at enerhiya.
Dagdag pang benepisyo ng MIF ay ang capital accumulation, economic stability, financial sustainability, foreign investments at pagbabawas ng foreign debt ng bansa.
Samantala, sinabi naman ni Finance Secretary Benjamin Diokno na ang pagtatatag ng MIF ay makapagbibigay sa gobyerno ng “long-term source of income” na susuporta sa paparating na henerasyon.
Noong nakaraang buwan, sinabi ni Pangulong Marcos kaagad niyang lalagdaan ang Maharlika Bill sa sandaling makuha niya ito.
“I will sign it as soon as I get it. Am I happy? Well, that is the version that the House and the Senate has passed, and we will certainly look into all of the changes that have been made,” ani Pangulong Marcos. RNT