MANILA, Philippines- Binigyan ng Department of Migrant Workers (DMW) ng financial assistance na P30,000 bawat isa ang mga Filipino na apektado ng suspensyon ng visa issuance sa Kuwait para sa bagong manggagawa.
Sumailalim din ang mga OFW ng job matching para sa employment opportunities sa ibang bansa, ayon sa DMW.
Nauna nang sinabi ni DMW Secretary Susan Ople na mayroong 815 Kuwait-bound Filipinos, marami sa kanila ay mayroon nang Overseas Employment Certificate.
Ang gobyerno ng Kuwait ay nagpataw ng entry ban sa mga Pilipinong walang residence permit, dahil sa umano’y hindi pagsunod ng Pilipinas sa isang kasunduan sa paggawa.
Inilabas ng Kuwait Directorate General of Civil Aviation noong Mayo 10, ang memorandum ay nag-utos sa mga tauhan ng Kuwait International Airport na pigilan ang mga Pilipino na makapasok sa bansa, maging ang mga may visa, maliban sa mga Pinoy na residente ng Kuwait.
Advertisement