HONOLULU- Ginunita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Linggo (Philippine Time) ang mga pumanaw na Pilipino sa deadly wildfires na tumama sa isla ng Maui sa Hawaii nitong Agosto.
Ipinanalangin ni Marcos ang mga nasawi sa malawakang sunog sa kanyang meet and greet sa Filipino community sa Hawaii Convention Center.
“Pinapanood namin ang mga pangyayari sa Maui, kawawa naman ‘yung ating mga Pilipino na naging casualty, so before I proceed, let us share a moment of silence as we remember those who perished in the devastating wildfires in Maui last August,” pahayag ni Marcos.
“We pray for strength and courage for the relatives and friends of those fatalities as well as those recovering and rebuilding their lives in the aftermath of that terrible disaster,” dagdag ng Pangulo.
Inihayag ng mga awtoridad na umabot ang death toll ng Filipinos at Filipino-Americans sa nasabing wildfire sa 29 katao.
Ayon sa National Weather Service, ang mitsa ng wildfires ay dry vegetation, malakas na hangin at low humidity.
Sinabayan pa ito ng hanging dulot ng Hurricane Dora dahilan upang lalo pang magliyab ang estado, batay sa ulat. RNT/SA