Home NATIONWIDE Mga Pinoy nabibiktima pa rin ng human trafficking sa Thailand – DFA  

Mga Pinoy nabibiktima pa rin ng human trafficking sa Thailand – DFA  

242
0

MANILA, Philippines- Nadiskubre ng Department of Foreign Affairs (DFA) na mayroon pa ring mga Pilipino na nabibiktima ng human trafficking sa Thailand at iba pang Southeast Asian nations, kung saan nhinihikayat silang magtrabaho bilang online scammers, sa kabila ng paulit-ulit na babala mula sa gobyerno ng Pilipinas.

Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo Jose de Vega na mayroong “few Filipinos” na nasagip sa border ng Thailand at Cambodia na nabiktima ng human trafficking.

“Ang pangako sa kanila ay magtatrabaho sa Thailand pero pagdating doon, kung saan-saan sila iniikot, kasi may human trafficking din  ngayon sa Southeast Asia,” aniya sa Laging Handa briefing.

 “Kapag pumunta sa isang lugar, napipilitang magtrabaho sa POGO, sa illegal scamming at kung ano-ano pa man,” dagdag niya.

Naganap ito sa kabila ng pagpapauwi ng pamahalaan sa halos 300 Pilipino na naharap sa parehong sitwasyon sa Thai border sa Myanmar at pagbabala laban dito.

“We are trying to see what we can do. Iyong mga natulungan natin dati kasi, tinutulungan natin mag-raise ng pera, iyong families dito, para mabayaran na lang iyong employer nila, ibalik iyong expenses para payagang makaalis na lang,” paglalahad ni de Vega. RNT/SA

Previous articlePCG handang mag-deploy ng mas maraming asset sa resupply mission sa Ayungin
Next articleP206M pekeng bags nakumpiska ng NBI

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here