Home NATIONWIDE Mga Pinoy nakiisa sa Earth Hour 2024

Mga Pinoy nakiisa sa Earth Hour 2024

MANILA, Philippines – Nakiisa ang mga Filipino sa pagpatay ng ilaw sa loob ng 60 minuto nitong Sabado ng gabi, Marso 23 bilang suporta sa Earth Hour.

Mula 8:30 ng gabi hanggang 9:30 ng gabi ay pinatay ang ilaw sa iba’t ibang mga gusali, establisyimento at mahahalagang lugar sa Metro Manila.

Ang sentro ng Earth Hour event ay ginanap sa Kartilya ng Katipunan sa Maynila na inorganisa ng World Wide Fund For Nature Philippines.

“This year, Earth Hour Philippines’ focus is on addressing plastic pollution, as it is one of the most pressing concerns for our country and a public health issue. We generate 2 million metric tons of plastic waste in the Philippines every year; only 9% is recycled, and 35% leaks out into the open environment. As we are an archipelago of 7,640 islands, the damage caused by plastic pollution to our environment is magnified,” ayon kay WWF-Philippines executive director Katherine Custodio.

Hinimok naman ni Environment Secretary Maria Antonia Yulo-Loyzaga ang mga lider sa iba’t ibang sektor na harapin ang socio-economic realities sa paggamit ng plastic at mag-develop o bumuo ng alternatibong materyales na magagamit at abot-kaya.

“Industry, government, and academia must lead the change lest our Earth choke in the hands of the most intelligent species that ever lived. We broke this planet. We may still have a chance to fix it, but we must act today,” aniya.

Samantala, inihayag naman ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kahalagahan ng energy efficiency sa pagtugon sa climate change.

“By embracing energy-efficient practices, we can reduce our carbon footprint and create a sustainable future. In the Philippines, our commitment to promoting energy efficiency paves the way for a cleaner, more climate-resilient nation,” ayon sa Pangulo.

“Amid challenges like El Niño, efficient resource management becomes absolutely important. Let’s adhere to energy efficiency directives not only to preserve the environment but also to foster a robust adaptive nation for the New Philippines that we envision.”

Ang Earth Hour ay taunang ginaganap na inisyatibo ng WWF. Nagsimula ito sa Sydney, Australia noong 2007. RNT/JGC

Previous articleGrade 11 student, patay sa poste ng soccer goal
Next articleLegal na paraan sa political asylum pinag-aaralan ng kampo ni Teves