Mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa 8,467 – DFA

Mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19, umabot na sa 8,467 – DFA

June 29, 2020 @ 6:06 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Umabot na sa 8,467 ang kabuuang bilang ng mga Filipino sa ibang bansa na tinamaan ng coronavirus disease 2019 makaraang maiulat ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang 34 na bagong kaso nitong Lunes.

Pumalo na rin sa 5,091 ang kabuuang bilang ng mga nakarekober makaraang 10 pa ang naidagdag sa listahan ng ahensya, habang 547 naman ang bilang ng mga nasawi matapos maitala ang siyam na iba pa.

Sa ngayon, nananatiling may pinakamataas na bilang ng kaso ng coronavirus ang Middle East/Africa kung saan 6,195 ang kabuuang kaso na may 287 na nasawi at 3,787 na nakarekober.

Sumunod ang Europa na may 988 na kaso, kabilang ang 420 na nakarekober at 94 na nasawi.

Sa Amerika, kabuuang 686 na Filipino ang tinamaan ng nakahahawang sakit. Sa bilang na ito, 1,264 ang nasawi habang 373 naman ang nakarekober.

Nakapagtala naman ang Asia Pacific Region, ng 598 na kaso kung saan dalawa ang nasawi habang 511 naman ang nakarekober. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...