Home NATIONWIDE Mga Pinoy sa Libya ‘di pa humihiling ng repatriation – DFA exec

Mga Pinoy sa Libya ‘di pa humihiling ng repatriation – DFA exec

667
0

MANILA, Philippines – Wala pang Filipino sa Libya ang humihiling na mapauwi sa Pilipinas kasabay ng matinding pagbaha sa nasabing bansa.

Sa kabila nito, siniguro ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na nakahandang umasiste ang embahada sa mga Filipino na mangangailangan ng tulong.

“Walang humihingi ng repatriation, wala ring nasa shelter, lahat may natutulugan. Naninirahan sila sa bahay talaga or apartment,” pahayag ni De Vega sa isang televised public briefing.

“Kung may Filipino na kailangan ng assistance, financial assistance dahil nawalan ng trabaho, gusto ng umuwi ng Pilipinas, nandoon ang ating pamahalaan, nandiyan ang ating embahada para tulungan sila,” dagdag pa niya.

Ayon sa opisyal, wala pang suplay ng kuryente sa mga apektadong lugar sa Libya.

Inabisuhan din ni De Vega ang mga Filipino na may nawawalang kaanak sa Libya na kagyat ipagbigay-alam ito sa mga awtoridad, sabay-sabing posibleng nahihirapan na makontak ng pamilya ang mga ito dahil apektado rin ang linya ng komunikasyon.

Sa panayam sa telebisyon, sinabi ni DMW officer-in-charge Hans Cacdac na ang mala-delubyong pagbaha ay tumama sa Derna, na nasa silangang bahagi ng Libya at malapit sa Egypt.

“Most of the Filipinos in Libya are on the western side, the Tripoli side,” ani Cacdac.

Ang matinding pagbaha ay dulot ng bagyong Daniel na sumira din sa mga dam at halos bumura sa mapa ng isang-kapat ng lungsod.

Ayon kay Derna Mayor Abdulmenam al-Ghaithi, posibleng umabot sa 18,000 hanggang 20,000 ang bilang ng mga nasawi sa lungsod. RNT/JGC

Previous article2 Nigerian, 1 Taiwanese national inaresto ng BI
Next articleProposed P1 provisional fare hike ‘di sapat – Piston

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here