Home NATIONWIDE Mga Pinoy sa Singapore sinorpresa ni PBBM

Mga Pinoy sa Singapore sinorpresa ni PBBM

197
0

MANILA, Philippiens – SINORPRESA ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nitong weekend ang mga Filipino sa Lucky Plaza mall, isang popular hub para sa overseas workers sa araw ng kanyang rest day.

Bahagi ito ng kanyang pagbisita sa Singapore.

Makikita sa isang 28-minute video na naka-upload sa Facebook account ni Pangulong Marcos na naglalakad ito sa paligid ng lugar at kumaway sa Filipino community sa nasabing lugar, kasama ng Pangulo si Unang Ginang Marie Louise “Liza” Araneta-Marcos.

Dumating si Pangulong Marcos sa Singapore, araw ng Miyerkules, Setyembre 13, para sa 10th Asian Conference at dumalo sa pagtatapos ng Formula One Singapore Grand Prix 2023.

Matatandaang, binatikos ng publiko ang Pangulo sa naging pagdalo nito sa nasabing race noong 2022, subalit para sa Punong Ehekutibo, ito ang ‘best way’ na paingayin ang negosyo.

Makikita sa pinakabagong data mula sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na ang Singapore ay kabilang sa ‘top sources’ ng equity capital placements sa Philippine markets noong Hunyo, kasama ang Japan at Estados Unidos.

Gayunman, nananatili ang net foreign direct investment (FDI) inflows, sa five-month low na $484 million, bumaba mula sa $487 million noong Mayo at $503 million noong Hunyo.

Year-to-date net inflows ay 3.9 billion, bumaba ng 20.4% mula sa $4.9 billion noong 2022. Kris Jose

Previous article‘Full access’ hirit ng WHO sa Tsina para sa COVID origin
Next article5 pang Pinoy tigok sa Hawaii wildfire kinilala

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here