Home HOME BANNER STORY Mga Pinoy sa Sudan pinalilikas na sa ‘full-scale civil war’

Mga Pinoy sa Sudan pinalilikas na sa ‘full-scale civil war’

822
0

SUDAN – Nanawagan ang pamahalaan sa lahat ng mga Filipino sa Sudan na agaran nang lumikas kasunod ng babala ng United Nations na ang nasabing bansa ay nasa bingit na ng full-scale civil war.

“The Philippine Embassy in Cairo strongly reiterates its call for all Filipinos in Sudan to leave the country immediately to ensure their safety,” pahayag ng embahada nitong Miyerkules, Hulyo 12.

Anila, ang mga Pinoy na nais umuwi ng bansa ay dapat na magbigay ng kanilang buong pangalan, contact number at kopya ng passport sa embahada.

Inaabisuhan ang mga ito na sabihan agad ang embahada kung sila ba ay may valid passport o wala.

Ang mga nais na lumikas sa pamamagitan ng Egypt ay dapat na direktang mag-apply ng entry visa sa Egyptian Consulate sa Wadi Halfa at tumugon sa visa application requirements.

Samantala, ang mga Filipino naman na lilikas sa pamamagitan ng Port Sudan ay dapat na magpa-abiso kaagad sa embahada.

“Make sure that you have sufficient cash with you (to cover costs of your food, water and accommodation) as the wait in both Wadi Halfa and Port Sudan will take on average 10 days or more.”

Ang mga nagdesisyon naman na manatili sa Sudan ay inaatasan din na ibigay sa embahada ang kanilang pangalan, contact details, lokasyon sa Sudan at detalye ng kanilang emergency contacts sa Pilipinas.

Inaabisuhan din ang mga ito na panatilihing dala ang kanilang mga pasaporte. RNT/JGC

Previous articleMALABON CITY MAYOR DELIVERS 1st SOCA
Next articleTRANSPORTATION SAFETY BOARD KAILANGAN SA PINAS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here