MANILA, Philippines – Hinimok na ng Department of Foreign Affairs ngayong Linggo ang mga Pilipinong nasa Sudan na lumikas na mula sa Khartoum sa gitna ng mga ulat ng pagnanakaw sa mga tahanan ng mga dayuhan.
Ang nakamamatay na labanan ay sumiklab sa hilagang-silangan ng Africa na bansa mula noong kalagitnaan ng Abril, nang ang pinuno ng hukbo na si Abdel Fattah al-Burhan at ang kanyang dating deputy na si Mohamed Hamdan Daglo, na namumuno sa paramilitary Rapid Support Forces (RSF), ay nagkaroon ng sigalot sa isa’t-isa.
Ang digmaan ay kumitil sa buhay ng hindi bababa sa 3,000 katao at lumikas sa milyun-milyon.
Sinabi ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega na hindi bababa sa 110 Pilipino mula sa Khartoum ang nakipag-ugnayan sa mga awtoridad ng Pilipinas para humingi ng tulong bagamat hindi lahat ay nagpahayag ng pagnanais na bumalik sa Pilipinas.
“Yung iba ayaw umuwi kasi may utang pa ang employer,” anang opisyal sa isang interbyu.
Nauna nang sinalakay ng RSF ang bahay ng 17 Pilipino na ngayon ay na-stranded sa Port Sudan sa nakalipas na 2 linggo habang naghihintay ng isang repatriation flight.
“Economically nag co-collapse yung bansa…Our advice is time to go home,” giit pa niya.
Sinabi ng opisyal ng DFA na sinusubukan ng mga awtoridad ng Pilipinas na ayusin ang mass repatriation “at hindi lamang mga indibidwal o isang pamilya.”
Hindi bababa sa 748 na Pilipino sa Sudan ang bumalik sa Pilipinas upang makatakas sa bakbakan, habang nasa 200 ang nananatili. RNT