Home OPINION MGA PINOY SA US DAPAT PATULOY NA MAG-INGAT

MGA PINOY SA US DAPAT PATULOY NA MAG-INGAT

180
0

ANAK ng tokwa, maya’t maya na lang may namamaril sa Amerika o United States.

Pagkatapos lang na may mamaril at makapatay sa Baltimore, Maryland, heto na naman ang pamamaril sa Philadelphia.

Dalawa ang sinasabing basta na lang pinagbabaril ang mga dumalo sa isang party na idinaos kaugnay ng masayang selebrasyon ng pambansang kalayaan ng Amerika nitong Hulyo 4 sa Baltimore.

Dalawa ang namatay habang 28 ang nasugatan at karamihan sa mga biktima ang kabataan.

Kinikilala pa ng mga pulis ang mga nagsagawa ng pamamaril.

Sa Philadelphia naman kahapon, may apat na namatay habang apat din ang nasugatan nang pagbabarilin ang mga ito ng lalaking may riple at pistol.

Nahuli ang suspek nang magsumbong sa pulis na kilala niya ang namaril at nang mahuli, may suot pa itong bullet-proof vest.

Hulyo 2, 2023 naman  nang may mamaril sa isang night club sa Kansas na ikinsugat ng pito katao at isang bago ito, pinagbabaril din ang isang konsyerto na ikinasugat ng apat katao sa Oklahoma.

Iba pa ang kagaganap lang na pagsunog sa isang bahay na ikinamatay ng anim katao na pawang magkakamag-anak sa South California.

Suspek dito ang miyembro rin ng nasabing pamilya na si Ryan Lenard Manigo, 33 na nahuli naman ng mga pulis.

Ayon sa mga pulis, may 300 kaso na ng pamamaril sa simula noong Enero 1, 2023.

Nasa 130 na rin ang namamatay at iba pang ang mga sugatan.

MAY MGA PATAY NA PINOY

Maalaala ba ninyo si Atty. John Albert Laylo, 35, taga-Makati City na bigla na lang pinagbabaril habang sakay ng Uber papuntang airport noong Hunyo 2022.

Naitakbo naman si Laylo sa ospital ngunit namatay rin kalaunan habang gumaling naman sa sugat ang kanyang ina na kasama niya sa sasakyan.

Siyempre, nandiyan din ang kaso ni Valentino Alvero na namatay sa pamamaril din sa Monterey, California noong Enero 21, 2023.

Karamihan sa mga biktima ang senior citizen at nagsasaya sila nang mamaril ang suspek na ikinamatay ng 11 at ikinasugat din ng 11.

Nahuli ang suspek ng isang sibilyan at nadisarmahan ito at tumakas ngunit natagpuan ang kanyang bangkay sa vas na ginamit nito sa pagtakas.

Maaaring nagbaril ng sarili umano ang suspek.

Nauna rito, may mga masaker sa mga eskwela at mga kabataan at pamamaril na ding i1, 2,3 ang namamatay pero marami ang nasusugatan.

4.2 MILYONG PINOY

Tinatayang nasa 4.2 milyong Pinoy ang nasa US na naging Kano na, naninirahan lang o nagtrabaho.

Iba pang ang mga TNT o tago-nang-tago kung tawagin.

Gaya ng nangyari kina Atty. Laylo at Alvero, maaaring anomang oras, may madadamay na Pinoy.

Sana naman, walang madadamay pero kung meron, paano lahat magtulong-tulong para sa mga biktima?

 

 

Previous articleMEDIAMEN ALISING SAKSI SA DROGA (3)
Next articleTsina kinondena ng Senado sa panggigipit sa PH Coast Guard sa WPS

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here