Home NATIONWIDE Mga Pinoy ‘wanted’ sa Germany!

Mga Pinoy ‘wanted’ sa Germany!

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng interes ang Germany sa pagkuha ng skilled workers mula sa Pilipinas matapos ang opisyal na pagbisita ni German Foreign Minister Annalena Baerbock sa Manila nitong linggo, sinabi ni Department of Migrant Workers (DMW) nitong Sabado, Enero 13.

Sinabi ni DMW Undersecretary Patricia Yvonne Caunan na nilagdaan kamakailan ng Germany at Pilipinas ang “joint declaration of interest” sa recruitment ng overseas Filipino workers, na nagsasaad na gusto ng Maynila ng “win-win situation” kung saan ang recruitment ay sustainable.

Ayon kay Caunan, mismong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang maglatag ng mga kondisyon up g matiyak na Pilipinas ay hindi magdurusa sa labor shortage.

Ang pagtaas ng interaksyon ng Germany at Pilipinas sa larangan ng paggawa ay batay sa 10-taong-gulang na Triple Win, isang government-to-government program na nagpapahintulot sa daan-daang Pilipinong nars na magtrabaho sa bansang Europe.

Sinimulan na rin ng Germany ang phased implimentation ng Skilled Migration Act nito noong Nobyembre na nagpapahiwatig ng intensyon nitong tanggapin ang mas maraming skilled worker.

Nauna nang sinabi ng German Embassy sa Manila na ang bagong batas ay lumilikha ng mas magandang insentibo para sa mga Filipino skilled workers na isaalang-alang ang pagtatrabaho sa Germany.

Bibisita rin si Marcos Jr. sa Germany sa Marso 12, na inihayag sa courtesy call ni Baerbock sa Malacañan noong Huwebes.(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

Previous articleMas malakas na ugnayan sa Pinas target ni Taiwan Pres-elect Lai
Next articleGrupo ng mga guro nagpahayag ng pagkabahala sa ‘Catch-up Fridays’