Home NATIONWIDE Mga POGO na may utang, balak kasuhan ng PAGCOR

Mga POGO na may utang, balak kasuhan ng PAGCOR

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) nitong Huwebes na balak nitong magsampa ng kaso laban sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) na may utang na aabot ng P2 bilyon.

Inihayag ni PAGCOR chairman and CEO Alejandro Tengco na ang gaming industry regulator ay “taking legal action against 33 offshore gaming licensees, including some who have left the country, for unpaid fees amounting to P2.02 billion.”

“Because of this situation, we are duty-bound to take a legal course of action. We are now in the process of gathering pertinent information to file appropriate cases against them,” sabi ni Tengco.

Ayon sa PAGCOR chief, sa kabila ng pakiusap, hindi pa rin nakakapagbayad ng license fees ang operators, na binigyan ng lisensya sa nakaraang administrasyon, na labag sa Section 4.C ng Offshore Gaming Regulatory Manual.

Base sa PAGCOR, ang receivables ay mula sa POGOs na nagsara na o lumisan na ng bansa.

“PAGCOR will continue to ensure that all our regulated gaming entities, including offshore gaming operators and service providers, will abide by our regulatory policies, including proper payment of fees and taxes,” giit ni Tengco.

Sa congressional hearing nitong Lingo, inilahad ng PAGCOR chief na ilang offshore gaming operators na ginawaran ng lisensya sa nakaraang administrasyon ay nagsara na noong pandemya, na nag-iwan ng bilyong pisong utang. RNT/SA

Previous articleKasanayan ng mga Pinoy paghusayin para sa mas malawak na job opportunities
Next articleEgay-hit areas tutulungan ng SoKor, Canada