Home METRO Mga poste ng kuryente nagbagsakan sa Binondo

Mga poste ng kuryente nagbagsakan sa Binondo

431
0
Remate File Photo l Crismon Heramis

MANILA, Philippines – Posibleng sanhi ng tuloy-tuloy na pagbuhos ng ulan ang dahilan kaya bumagsak ang ilang mga poste ng Meralco sa Binondo, Maynila ngayong Huwebes.

Sa inisyal na ulat mula sa Public Information Office ng Manila Police District, bandang ala 1:00 ng tanghali nang magbagsakan ang mga poste ng kuryente sa kanto ng Quintin Paredes St., at Ongpin, St sa Binondo.

Remate File Photo l Crismon Heramis

Ayon sa nakakita na si Adrain Masangkay, Barangay tanod ng Bgry. 289, napansin na lamang niya na biglang nagtumbahan ang mga poste ng Meralco.

Agad namang naitawag sa Meralco Office ang insidente at sa pangunguna ni Sonny Pascual, Meralco Team leader ay nagtungo sa lugar upang pangasiwaan ang safety measures lalo na’t daanan ng mga motorista at malapit lamang sa Simbahan ng Binondo ang insidente.

Remate File Photo l Crismon Heramis

Iniulat na sampung sasakyan ang napinsala at isang bisikleta.

Gayunman, inaalam pa kung may sugatan o matinding tinamaan na indibidwal sa nangyaring pagbagsak ng mga poste .

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang kinauukulan hinggil dito. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleHalos 200 lugar isinailalim sa state of calamity kay Egay
Next articleNaranasang baha sa Bulacan, mala-Ondoy – Gob. Fernando

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here