Home NATIONWIDE Mga preso ililipat sa Palawan, penal farms – BuCor

Mga preso ililipat sa Palawan, penal farms – BuCor

274
0

MANILA, Philippines- Inihayag ng Bureau of Corrections (BuCor) nitong Biyernes na balak nitong ilipat ang mayorya o 80 porsyento ng mga preso o persons deprived of liberty (PDLs) sa Palawan at sa penal farms, sa layon nitong isara ang New Bilibid Prisons sa 2028.

Sinabi ni BuCor Director-General Gregorio Catapang, Jr. na kasalukuyang mayroong currently 30,000 preso sa national penitentiary, kung saan gumagastos ang pamahalaan ng P120,000 kada taon sa kada isang preso.

Aniya, bilang kapalit, dapat maging produktibo ang mga preso at tulungan ang bansa.

“Talaga pong puspusan po ito, kasi ang kailangan po talaga maging relevant ang PDL,” sabi ni Catapang sa televised briefing.

“Walang ginagawa ang PDL, nasa preso lang sila. Pero ang nakalimutan po dito, ang pangalan po ng ating mga kulungan, Davao o Iwahig Prison and Penal Farm, so kailangan may farm para sa ganoon iyong mga nakakulong magiging productive, para makapagtanim sila, makakatulong sa bayan,” patuloy niya.

Makatutulong din ang paglilipat sa mga preso sa penal farms na makita nila ang kahalagahan ng pagtatrabaho upang mayroon silang makain.

“Kung masusuwertihan nga po natin sa Palawan, matatamnan po lahat iyong 28,000 hectares. Eh makakaya po ibaba talaga iyong presyo ng bigas,” pahayag niya. RNT/SA

Previous articleMga kabataan nagprotesta vs tapyas-budget sa Free Education Law, mandatory ROTC
Next articleFB ni Rendon, na-disable, sinisisi ang mga fans nina Vice at Coco!

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here