Home NATIONWIDE Mga pribadong lupang kinukuha ng pamahalaan dapat mabayaran agad – SC

Mga pribadong lupang kinukuha ng pamahalaan dapat mabayaran agad – SC

MANILA, Philippines- Malinaw na kawalang-katarungan ang hindi pagbabayad sa loob ng matagal na panahon sa lupain na kinamkam ng pamahalaan para sa pampublikong gamit.

Ito ang idineklara ng Supreme Court (SC) sa kaso ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na kumuha sa 7,555 square meters na lupain ni Casimiro Tamparong Jr. sa barangay Kauswagan sa Cagayan de Oro City.

Halos dalawang dekadang tumagal ang kaso kaugnay sa usapin ng dapat na kabayaran na makukuha ni Tamparong hanggang sa mamatay ito noong Dec. 3, 2018 na hindi pa nakukuha ang kabuuan ng kanyang kompensasyon.

“What more injustice can be caused to a landowner who, up to the time of his death, was not able to fully enjoy the benefits of the land taken from him by the government than to shortchange him with the delay in the payment of just compensation,” nakasaad sa desisyon.

Sa tala ng korte, taong 1999 sinimulan ng DPWH ang expropriation proceedings sa lupa ni Tamparong Jr. para sa proyektong Cagayan de Oro Third Bridge and Approaches.

Inisyal na nagbigay ang DPWH ng P9.4 milyon bilang provisional deposit. Matapos ang 10 taon ay idineklara ng RTC ang kompensasyon sa lupa sa halagang P3,500 per square-meter at iniutos ang pagbabayad ng pamahalaan ng legal interest hanggang sa mabayaran nang buo ang lupain.

Inihayag ng SC na nakasaad sa Section 9, Article III ng 1987 Constitution na hindi maaring kunin ng gobyerno ang lupain ng hindi ibinibigay ang tamang kompensasyon.

Batid ng SC na dahil sa tagal ng panahon na inaalam ng korte ang nararapat na kabayaran, nagdurusa naman ang may-ari ng lupa dahil napagkakaitan siya ng kikitain sana sa pag-aaring lupain.

 “To remedy the impasse, applicable laws or rules on expropriation require a provisional payment upon the date of the taking or the filing of the complaint.”

Iniutos ng SC na bayaran din ng pamahalaan si Tamparong ng legal interest sa hindi pa bayad na balanse.

“With respect to the amount of interest on this difference between the initial payment and the final amount of just compensation, as adjudged by the Court, we have upheld, in recent pronouncements, the imposition of 12 percent interest rate from the time of the taking, when the property owner was deprived of the property, until July 1, 2013, when the legal interest on loans and forbearance of money was reduced from 12 percent to six percent per annum by the Bangko Sentral ng Pilipinas [BSP] Circular No. 799. Accordingly, from July 1, 2013 onwards, the legal interest on the difference between the final amount and initial payment is six percent per annum,” anito. Teresa Tavares

Previous articleIlang embahada nakiramay sa Maco landslide victims
Next articleDefense materiel procurement isasapinal na ng PH, Sweden