Home NATIONWIDE Mga programa para sa mga kabataan, inilunsad sa Navotas

Mga programa para sa mga kabataan, inilunsad sa Navotas

MANILA, Philippines – ILANG programa ang inilunsad ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Navotas para sa mga kabataang Navoteño.

Nilagdaan ni Navotas City Mayor John Rey Tiangco ang memorandum of agreement na nagbibigay ng scholarship sa 21 mga bagong benepisyaryo ng NavotaAs Scholarship Program para sa school year 2023-2024.

Nasa anim na mag-aaral na kwalipikado sa Ulirang Pamilyang Mangingisda Scholarship para sa mga rehistradong miyembro ng fisherfolk na nagwagi sa taunang Top Ten Most Outstanding Fisherfolk at 15 student artists naman ang nabigyan ng scholarship na nakatugon sa proseso na inilunsad sa pamamagitan ng special screening committees.

Tinanggap din ng Navotas ang 317 bagong technical at vocational graduates mula sa Navotas Vocational Training and Assessment (NAVOTAAS) Institute at TESDA-NavotaAs Training Institute kung saan 13 sa mga ito ang nagtapos sa Automotive Servicing NC I; 21, Electrical Installation at Maintenance NC II; 26, Shield Metal Arc Welding NC II; 25, Japanese Language and Culture at 25 Basic Korean Language and Culture.

Nasa 65 trainees naman ang nagtapos ng Bread and Pastry Production NC II; 22, Barista NC II; 21, Food and Beverage Services NC II; at 26 para sa Housekeeping.

May 20 trainees ang nagtapos ng Refrigerator and Aircon Servicing (DOMRAC) NC II; 16 finished Driving NC II at 23 ang nagtapos mula sa Produce Organic Concoctions and Extracts.

Pinangunahan din ni Mayor Tiangco ang pamamahagi ng 40 smart TVs, 287 wall fans at 287 ceiling fans para sa public elementary at high schools at ang NavotaAs Hanapbuhay Center ay naglunsad ng One School, One Product Program (OSOP) lahok ang mga mag-aaral.

Itatampok ang mga gawa ng mga mag-aaral sa Christmas Bazaar sa Navotas Citywalk and Amphitheater simula November 23-25, at 30, at December 1-2 at 7-9.

“Education remains to be one of our top priorities. We aim to provide Navoteño students with the highest quality of education and open opportunities for them to have the best future,” ani Tiangco.

Ang Navotas City Health Office, katuwang ang Philippine National Red Cross, ay naglaan sa Navoteño girls, edad siyam at tumanggap ng bakuna kontra human papillomavirus (HPV)

Ang mga nagsilahok sa caravan ay may libreng gamut, hygiene kits at ang edad 30-49 ay free HPV screening habang may 75 Navoteño child laborers ang nabigyan ng Christmas gifts sa pamamagitan ng Project Angel Tree.

“Navoteño children deserve nothing but the best. Our goal is to make services and programs more accessible for every child to live a happy and healthy life,” paliwanag ng alkalde. R.A Marquez

Previous articlePagpapalakas ng ugnayan sa pamahalaan, isinusulong ng newly-elected officers ng Fraternal Order of Eagles
Next articleAngelica Cervantes, umaming tibo!