Home OPINION MGA PROYEKTO NI JOY BELMONTE, PAWANG MAKATAO 

MGA PROYEKTO NI JOY BELMONTE, PAWANG MAKATAO 

152
0

HINDI man iyabang, subalit makikita na pawang makatao at para sa tao ang mga proyektong isinasagawa ni Quezon City Mayor Joy Belmonte. 

Katulad na lang ng programa hinggil sa mental health, mas pinalakas pa niya sa pamamagitan nang pagsasagawa ng paraan kung paano matulungan ang indibidwal na may kapansanan sa pag-iisip at maiwasan ang pagtaas ng mga kasong may kaugnayan sa mental illness. 

Nagsagawa ang pamunuan ni Belmonte  ng mga unang hakbang para mapalakas ang    mental well-being ng mamamayan lalo na sa mga paaralan. 

Kasi nga, noong panahon ng pandemic bigla ang pagtaas ng bilang  ng mga mag-aaral na sinasabing may mental health illnesses bukod pa sa pagiging balisa ay marami ang nagtatangkang magpakamatay.

Nabatid pa na noong academic year 2021–2022 kung saan maraming paaralan ang sarado, may 404 kabataang mag-aaral ang nagpakamatay at may 2,147 iba pa ang nagtangkang magpakamatay. 

Kaya nga sa mga pampublikong paaralan ay nag-hire ang QC government ng mental health professionals katulad ng therapists at councilors na agad kikilala sa mga paunang senyales ng sakit at mabilis na pipigilan ito. 

Kaya naman bukod  sa mga school interventions,  nagtayo ang QC  LGU ng Mental Wellness Access Hubs sa  6 na distrito sa lungsod  na tumutulong sa mga taong may mental health disabilities, tulad ng pagkakaloob ng libreng  prescription medicines at mayroon ditong  mga espesyalista para makatulong  na masolulusyunan ang  anxiety at depression.

Aba, nag-hire rin ang lokal na pamahalaan ng dagdag na mental health professionals na partikular na itatalaga sa  Persons with Disability Affairs Office  para makatulong sa policy making at conceptualization  ng programa at resident care facilities  para sa mga  disadvantaged at marginalized.

Saan pa ba naman titingin ang mga residente ng QC. 

Sa dami ng nagawa ng alkalde para sa kapakanan ng kanyang botante, siguro naman ay kumbinsido na sila este tayo na tiyak na ang kanyang panalo bagaman malayo pa ang 2025. 

Previous articleNanay nanganak sa guho sa Syria, sanggol nasagip!
Next articleDAGDAG NA AICS SATELLITE OFFICES BUKSAN