MANILA, Philippines – Nag-alok ng libreng sakay ang pulisya sa daan-daang miyembro ng Aeta community mula sa liblib na Sitio Kinawan, Morong, Bataan para makaboto sa Binaritan Elementary School na ilang kilometro ang layo mula sa kanilang mga tirahan.
“This was done to prevent candidates from taking advantage of this opportunity by providing free rides to our local IPs (indigenous peoples), which could be tantamount to vote-buying,” sinabi ni Colonel Palmer Tria, Bataan police director.
Matapos makaboto, ang Aeta IPs ay inihatid din pauwi sa kanilang komunidad.
Ani Tria, naglatag na ng mga checkpoint sa ilang strategic points sa Roman Highway mula Hermosa hanggang Mariveles para mamonitor ang iba’t ibang illegal na aktibidad na may kaugnayan sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE). RNT/JGC