Home OPINION MGA PULIS NA NAGPOPOSITIBO SA DROGA, ILABAS

MGA PULIS NA NAGPOPOSITIBO SA DROGA, ILABAS

190
0

KUNG iisipin, maganda ang imahe ng pulisya sa droga.
Sa 115,000 nang pulis na na-drug test, 24 lang ang nagpositibo.
Sa natitirang nasa 105,000 pulis na ‘di pa nada-drug test, ilan kaya ang matatagpuang positibo?

Ipagpalagay nating dose-dosena rin tulad nang naunang grupo, maganda pa ring rekord ‘yan.

Kapag adik kasi sa droga ang isang pulis, karaniwang nagiging utak- pulbura at hijo de p… ‘yan.

Namamaril nang walang dahilan, rapist, tsikboy, pabaya, korap at iba pa. Pero sino-sino ba ang mga natatagpuang positibo sa droga?

Baka naman puro opisyal, gaya ng hepe ng Mandaluyong police na isang colonel.

Kapag ganyan ang mga adik…mga kernel, heneral, major, kapitan, tinyente, tiyak na disgrasya ang aabutin ng mga tauhang pulis at mamamayan.

Kung hindi niya hahatakin patungo sa droga ang kanyang mga tauhan, maaaring itulak niya ang mga ito sa panghuhulidap at iba pang iligal na pagkakitaan.

Gagamitin din niya ang kanyang tsapa, uniporme at baril sa
pagpapalaganap ng droga upang kumita.

Ito’y dahil sa hindi sapat ang kanyang sahod sa pambili ng droga,
pakikipagtsungkian sa iba at iba pang layaw.

Dapat ituloy ni Philippine National Police chief General Benjamin Acorda Jr. ang drug test.

At wala dapat patatawarin sa mga nagpopositibo at magpopositibo pa.

Hindi pupwede ang pagsasabing “patawarin sila, hindi alam ang kanilang ginagawa.”

May nais lang alamin ang mga mamamayan, General Acorda.
Bukod sa kernel at hepe ng Mandaluyong police, sino-sino ba ang mga nagpopositibo na?

Magandang ilabas ang kanilang mga mukha sa media para makilala sila ng mga mamamayan at mabantayan na rin sila.

Kapag inalis kasi sila sa serbisyo nang walang ikabubuhay at pagkakitaan dahil lahat ng pakinabang, kasama ang pensyon, ay maaaring mawala, maaaring gumawa sila ng kailigalan na maaaring may kasamang karahasan.

Hindi imposibleng masangkot ang mga ito sa kidnapping for ransom, upahang killer, droga at iba pang gawaing kriminal.

Previous articleLIWANAG NG ESPIRITU
Next articleGALIT NG KALIKASAN PAANO TUTUGUNAN?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here