
MANILA, Philippines – Tinawag ni Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs Chairman Senador Ronald Bato Dela Rosa na walang bayag ang mga pulis na dumalo sa pagdinig ng Senado ukol sa nakumpiskang isang toneladang shabu sa Maynila.
Nag-ugat ang pahayag ni Bato matapos na magturuan ang mga pulis kung kanino nanggaling ang impormasyon na naging sanhi ng operasyon laban kay P/ Staff Sergeant Rodolfo Mayo sa nakaimbak na toneladang shabu.
Hindi kasi mapiga ng mga senador ang mga pulis at opisyal ng Philippine Drug Enforcement Group (PDEG).
Unang tinanong ni Dela Rosa si P/ Capt. Jonathan Sosongco ang nanguna sa operasyon ng PDEG -Special Operation Unit 4A subalit itinuro nito si P/Staff Master Sergeant Jerrywin Rebosora na siyang nagbigay umano ng numero sa kanya ng informant na kinausap nito sa telepono.
Itinanggi naman ni Rebosora ang pahayag ni Capt. Sosongco.
Nagalit naman si Bato kay Sosongco dahil nakipag-usap aniya ito sa informant na hindi kilala at hindi alam ang pangalan.