Mga pulis na sangkot sa Jolo misencounter, tinanggalan na ng armas

Mga pulis na sangkot sa Jolo misencounter, tinanggalan na ng armas

June 30, 2020 @ 7:10 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Pinadisarmahan at isinailalim na sa kustodiya ng Sulu Provincial Police Director ang mga pulis na sangkot sa pagpatay sa apat na sundalo sa Jolo, Sulu, batay sa kautusan ni Interior Secretary Eduardo Año.

Para kay Año, ang naturang pagpatay ay “very unfortunate” at hindi dapat nangyari.

“I already gave instructions to Police General Archie Gamboa to disarm the policemen involved, restrict them under the custody of the Sulu Provincial Director. They will be investigated by the Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) and I will request a parallel investigation by the [National Bureau of Investigation],” pahayag ni Año.

Gayundin ay hinikayat niya ang NBI na imbestigahan ang naturang insidente sa pagitan ng mga pulis at militar.

“The Armed Forces of the Philippines (AFP) and the Philippine National Police (PNP) have been working closely in the fight against the terrorists. I want to know what really happened and no stone must be left unturned,” dagdag pa nito.

Sa inital report mula sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao at Philippine National Police, nagpapatrol ang Jolo Municipal Police Station (MPS) at Provincial Drug Enforcement Unit police officers sa Barangay Bus-Bus nang mamataan nila umano ang apat na armadong lalaking lulan ng gray SUV sa Sitio Marina, Barangay Walled kahapon, June 29 bandang alas-2:40 ng hapon.

Nang komprontahin ng PNP team, nagpakilala ang mga lalaki na AFP servicemen at makaraan ay inatasan sila na magtungo sa Jolo MPS para sa beripikasyon.

Ngunit nang dumating sila sa istasyon, sinabi ng mga pulis na tumakas umano ang mga sundalo at nagtungo sa Martirez, Barangay San Raymundo.

Hinabol sila ng mga pulis at dito na naganap ang barilan.

Dagdag pa sa ulat, titingnan pa ang tunay na motibo ng pamamaril. RNT/FGDC

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...