Mga pulis na tinamaan ng COVID-19, may ‘high viral load’ – Remulla

Mga pulis na tinamaan ng COVID-19, may ‘high viral load’ – Remulla

July 1, 2020 @ 12:08 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Napag-alamang may “high viral load” ang ilan sa mga pulis na nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19), ayon kay Cavite Governor Jonvic Remulla.

“Alarming ‘yung mga pulis na na-test namin. Fifteen policemen eh ‘yung nag-positive. Parang siyam sa kanila ang high viral load ang nakuha. Doon ‘yung alarming. Ibig sabihin may asymptomatic na spreaders na mataas ang viral load na dala na kinakalat ang COVID dito sa Cavite,” pahayag ni Remulla sa isang panayam.

Aniya sa kanyang Facebook post, ito ang obserbasyon ng health expert ng lalawigan na si Dr. Connie Ang.

“Ayon kay Dr. Connie Ang, ang strain na lumalabas ngayon sa ating mga testing machines ay ‘yung ‘high viral load’ na kung makuha ng mahina ang naturalesa ay very high chances of mortality,” ayon kay Remulla.

“Mag ingat kahit na malakas ang inyong katawan dahil pwede kayong asymptomatic o walang nararamdaman ngunit ‘super spreader’ o malakas makahawa. Baka mahawahan ninyo ang inyong mga mahal sa buhay lalo na ang mga senior citizens,” dagdag pa nito.

Sinabi rin nitong umabot na sa 603 ang bilang ng kaso ng coronavirus sa lalawigan kung saan 327 sa mga ito ang aktibo, 236 ang nakarekober habang 40 ang nasawi.

Magpapatuloy din aniya ang targeted testing sa lalawigan.

Samantala, pumalo na sa 709 ang bilang tinamaan ng coronavirus sa hanay ng Philippine National Police. Sa bilang na ito, 346 ang nasawi habang siyam naman ang nasawi. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...