
KAHAPON, laman ng diaryong Remate ang kwento ng anim na rapist sa iba’t ibang parte ng Pilipinas.
‘Yung isang adik sa solvent, nagpakamatay umano sa kulungan ng Lucena City, Quezon.
Inamin nitong biningwit niya ang 8-taong gulang na babae ng P100 para dalhin sa lugar na roon nangyari ang panggagahasa at pagpatay.
Sa Davao City naman, namatay naman kaagad ang rapist ng anak ng kanyang kinakasama nang manlaban umano sa mga pulis nang puntahan ito at arestuhin.
Ayon sa ina ng bata, 12 – anyos ang anak niyang pinagsamantalahan ng inakala niyang magiging katuwang niya sa pagpapalaki ng kanyang anak.
Naging bantay-salakay naman pala ito at nang kapain ang katawan nito, may itinatago pala itong isang sachet ng shabu.
Sa Bulacan naman, tatlo rapist ang hiwa-hiwalay na pinaghuhuli sa iba’t ibang bayan.
Nahuli ang isa sa bayan ng Marilao na may mga kasong statutory rape at dalawa naman ang nahuli ng Bulacan police sa attempted rape.
Ang pinakahuli, naging karima-rimarim sa lahat ng mga kaso sa itaas.
Akalain mong ibinidyo ang pag-rape sa 14 anyos, gayundin ang pagwakwak ng tatlong suspek sa dibdib, tiyan at hita ng biktima.
Nang matagpuan ang biktima, lumuwa ang mga laman loob at naaagnas na.
Ulitin natin, mga brad, ang isang detalye sa mga biktima.
‘Yung nasa Quezon, 8 anyos; ‘yung sa Davao City, 12 anyos; ‘yung sa Bulacan, 15 anyos pababa; ang ibinidyo saka kinatay, 14 anyos; at ang isa, lumalabas na maaaring menor-de-edad na 15 anyos pataas.
Lumalabas ding kabataan ang nang-rape at pumatay sa 8-anyos at ang nagbidyo nang pangre-rape at pagkatay sa 14-anyos at ang iba, may edad na.
May halong solvent at shabu ang klaro sa dalawang kaso…ang rape-slay con video, meron din kaya?
Kailangang mabilis na litisin ang mga may gawa ng mga krimen at ilagay sa dapat nilang kalagyan.
Grrrrrr! Grrrrrr!