Mga residenteng nasa MGCQ area, manatili pa rin sa tahanan – DOH

Mga residenteng nasa MGCQ area, manatili pa rin sa tahanan – DOH

July 1, 2020 @ 4:00 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  
Share

Manila, Philippines – Inabisuhan pa ring manatili sa kani-kanilang tahanan ang mga residenteng nakatira sa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ) lalo na kung wala namang mahalagang lakad, ayon sa Kagawaran ng Kalusugan nitong Miyerkoles.

“Pag sinabi po na low-risk MGCQ, ito po ay mas mababa sa talagang MGCQ, we are now transitioning into this new normal kung saan lahat ng minimum health standards na dapat ipatupad sa bawat setting na meron tayo whether it be for transport, for education and all,” paliwanag ni DOH spokesperson Maria Rosario Vergeire sa isang televised briefing.

“Una, kung wala kang gagawin na essential outside of your home, huwag kang lumabas. Because you are still in community quarantine kahit sabihin natin na low-risk MGCQ yan,” sabi pa nito.

Aniya, kailangan pa ring magsuot ng face masks at sundin ang physical distacing kung lalabas. Mainam din ang palagiang paghuhugas ng kamay kahit pa nasa MGCQ areas na ang ilan. RNT/MM

Share

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Loading...