Home HOME BANNER STORY Mga senador nagbabala sa gun owners vs indiscriminate firing

Mga senador nagbabala sa gun owners vs indiscriminate firing

MANILA, Philippines – Nagbabala ang mga senador sa mga gun owners, lalo na sa mga militar at mga pulis na maging responsable sa kanilang mga baril sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sinabi ni Senador Nancy Binay nitong Sabado, Disyembre 30 na dapat unahin ang kaligtasan sa bisperas ng Bagong Taon, at nanawagan sa mga Filipino na magkaroon ng “creative ways” upang salubungin ang Bagong Taon sa halip na magpaputok ng baril, fireworks o firecrackers.

“Alalahanin po natin na may karampatang responsibilidad ang pagbitbit natin ng baril. Huwag sana basta-basta gamitin ang mga ito upang maiwasan ang mga casualty lalo pa sa panahon na dapat nagdiriwang ang lahat,” ani Binay.

Sa ulat mula sa Philippine National Police (PNP), mayroon nang pitong insidente ng illegal discharge ng baril, kung saan isa ang sugatan.

Lima sa pitong mga sangkot ay dalawang pulis at dalawang miyembro ng Philippine Army. Isa naman ang sibilyan at dalawa ang nananatiling unidentified.

Kamakailan ay inanunsyo ng PNP na hindi nila seselyuhan ang mga baril ng kanilang mga tauhan ngayong taon, lalo pa’t nagiging compliant na ang mga pulis sa direktiba laban sa indiscriminate firing. RNT/JGC

Previous article4 sugatan sa pagsabog sa pagawaan ng paputok sa Bukidnon
Next articlePUV modernization ‘di sustainable – grupo