Home METRO Mga single na empleyado ng Basud, Cam Norte LGU pwede mag-leave sa...

Mga single na empleyado ng Basud, Cam Norte LGU pwede mag-leave sa Valentine’s Day

MANILA, Philippines – Pinapayagan ng lokal na pamahalaan ng Basud, Camarines Norte ang mga single na empleyado nito na maghain ng leave of absence sa Araw ng mga Puso, o sa Pebrero 14.

Ito na ang ikaanim na taon na iginagawad ng LGU ang naturang konsiderasyon.

Ayon kay Mayor Adrian Davoco, mahalaga na suportahan din ang mga regular na empleyado na nananatiling single upang maging epektibo sila sa kanilang trabaho.

“Ang pinakagusto nating mangyari is masupport ang ating mga empleyado sa ating munisipyo para nang sa ganoon ay hindi naman mapag-iwanan ‘yung kanilang buhay, siyempre kung palagi silang nasa trabaho ay naging ganito na ang buhay nila ay kumbaga nawawala na ‘yung para sa sarili nila,” anang alkalde.

Ang mga pipiliing magtrabaho sa Valentine’s Day ay maaaring mai-convert ang kanilang leave credit.

Bagama’t hinihimok ang mga single employees na samantalahin ang special leave, inabisuhan din sila na siguruhin munang nakumpleto ang lahat ng trabaho upang maiwasan ang pagkaantala ng serbisyo. RNT/JGC

Previous articlePBBM nakiisa sa Muslim community sa pagdiriwang ng Isra Wal Mi’raj
Next articleHigh rating ng Kamara magsisilbing motibasyon