Home NATIONWIDE Mga solon kontra sa planong sugar import liberalization

Mga solon kontra sa planong sugar import liberalization

MANILA, Philippines- Naghain ng resolusyon ang 11 mambabatas na naghahayag ng kanilang oposisyon sa panukalang polisiya na nagpapaluwag sa pag-aangkat ng asukal sa bansa.

Inihaian nina Negros Occidental Representatives Jose Francisco “Kiko” Benitez, Gerardo Valmayor Jr., Alfredo Marañon III, Juliet Marie de Leon Ferrer, Emilio Bernardino Yulo, and Mercedes Alvarez; Negros Oriental Representatives Jocelyn Sy Limkaichong and Manuel Sagarbarria; Bacolod City Representative Greg Gasataya; Abang Lingkod party-list Representative Joseph Stephen Paduano; at Iloilo Representative Michael Gorriceta nitong Miyerkules ang House Resolution 1199.

Hindi ikinatuwa ng mga mambabatas ang pahayag ni Finance Secretary Benjamin Diokno na papayagan ang food and beverage manufacturers na direktang mag-angkat ng asukal bilang bahagi ng plano ng Department of Finance (DOF) na itaas ang buwis sa sugar-sweetened beverages.

“Sugar production this year is projected to decrease due to El Niño and our limited milling capacity. But instead of helping our sugar producers, [we are] flooding our market with imported sugar will kill our domestic sugar industry,” pahayag ni Benitez.

“Sugar-exporting countries can sell to us their surplus sugar at prices below production cost because of massive subsidies and protectionist policies. Tayo, ano ang ginagawa natin sa industriya ng kalamay natin?” dagdag niya.

Sinabi pa ng mambabatas na bagama’t umabot ang buwis na ankolekta mula sa sweetened beverages sa ilalim ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law sa P174.5 bilyon mula 2018 hanggang 2022, P3.92 bilyon lamang dito ang inilaan para sa mga programa  sa sugar industry para sa mga taong 2018-2023.

Ani Benitez, taliwas ang alokasyon ito sa Sugarcane Industry Development Act na nag-aatas ng annual allocation ng hindi bababa sa P2 bilyon para sa mga programa upang palakasin ang sugar industry. RNT/SA

Previous articleSuspended MIAA chief, deputy pinatatanggal ng Ombudsman
Next articlePondo para sa 4Ps tumaas sa P112.8B sa 2024 NEP