Home NATIONWIDE Mga suspek sa N. Ecija bus shooting kakasuhan ngayong linggo

Mga suspek sa N. Ecija bus shooting kakasuhan ngayong linggo

MANILA, Philippines- Sinabi ng Philippine National Police (PNP) nitong Martes na sasampahan ng kaso ang umano’y gunmen at masterminds sa pamamaril na ikinasawi ng maglive-in partner sa loob ng isang bus saNueva Ecija.

“Kinukumpleto na lang po iyong mga papel at sinumpaang salaysay ng mga kaanak po ng mga biktima. At any time this week, we are preparing na po na makapag-file ng case,” pahayag ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo sa isang press briefing.

Inihayag ni Fajardo na hindi siya maaaring maglabas ng iba pang impormasyon ukol sa detalye ng pagsasampa ng kaso.

Sinabi ng PNP kamakailan na sinusuri nila ang pagkakakilanlan ng ilang pangalan ng posibleng gunmen sa pamamaril matapos tumugma ng bullet shell casings na narekober mula sa crime scenesa tatlong naunang insidente.

Nag-viral sa social media ang video ng shooting incident na nahagip ng CCTV camera.

Sa video, makikita na pinagbabaril ng gunmen ang dalawang biktima sa ulo at leeg.

Kinilala ang mga biktima na isang 60-anyos na babae mula sa Cauayan, Isabela at 55-anyos na lalaki mula sa South Cotabato.

Batay sa police report, binabaybay ng bus ang hulubunduking bahagi ng Barangay Minuli, Carranglan nang pagbabarilin ng dalawang gunmen ang mga biktima noong Nobyembre 15, alas-12:50 ng hapon.

Nauna nang tinukoy ng mga pulis ang anak ng babaeng biktima bilang posibleng person of interest. Mariin namang itinanggi ng anak ang pagkakasangkot sa krimen. RNT/SA

Previous article4M depektibo, ‘di nagamit na balota sa BSKE winasak ng Comelec
Next articleDOJ nanindigan: ICC walang hurisdiksyon sa Pinas