Home HOME BANNER STORY Mga suspek sa pagpatay sa 2 BSKE bets sa Cotabato kinasuhan na!

Mga suspek sa pagpatay sa 2 BSKE bets sa Cotabato kinasuhan na!

MANILA, Philippines – Naghain na ng patong-patong na murder at frustrated murder charges ang pulisya sa city prosecutor’s office nitong Miyerkules, Oktubre 25 laban sa kapitan ng barangay, pulist at 10 iba pa sa pagpatay sa tatlong indibidwal sa Cotabato City.

Kabilang sa napatay ang dalawang kandidato at isang taga-suporta.

Ayon kay Capt. Jemu Ramolete, hepe ng Cotabato City Police Station 1, ang mga kinasuhan ay sina Juhalidin Ladesla Abdul, kandidato sa pagka-kapitan ng barangay, at Master Sgt. Pauti Dianal Mamalapat ng Maguindanao del Sur police office, kapwa residente ng Barangay Rosary Height 12.

Kinasuhan din sa paglabag sa election gun ban ang 10 iba pang kaanak at taga-suporta ni Abdul. Anim sa mga naaresto ay mula sa Guindulungan, Maguindanao del Sur, habang ang apat iba pa ay residente ng lungsod.

Nakuha mula sa mga suspek ang M16 rifle, dalawang handgun at ammunition.

Dagdag naman ni Col. Querubin Manalang, city police director, ang mga suspek ay inaresto kasunod ng pagpatay kay Nur Moqtadin Butucan at Alfar Ayunan Pasawilan, kapwa kandidato sa barangay elections, at taga-suporta nito na si Faizal Abas, also from Kalanganan 2, nitong Lunes ng gabi.

Nasaktan din sa pag-atake si Saipol Sapalon at Fayed Daud, kapwa residente ng Barangay Kalanganan 2.

Sa inisyal na imbestigasyon ayon kay Brig. Gen. Allan Nobleza, Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao police director, nangyari ang pamamaril habang nagkakabit ng campaign posters ang mga biktima sa Barangay RH-12. RNT/JGC

Previous articleRevenue collection ng bansa bumagsak
Next articleAgresibong aksyon ng China sa WPS kinondena ni Bong Go