Home METRO Mga suspek tikom sa missing sabungeros case

Mga suspek tikom sa missing sabungeros case

282
0

MANILA, Philippines- Tikom sa kaso ng mga naarestong suspek sa pagkawala ng missing sabungeros sa Manila, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Lunes.

Sa isang press conference, tinanong si PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo kung kinumpirma ng anim na naarestong suspek kung buhay pa ang missing sabungeros.

“Matipid po iyong pananalita nitong anim na ito. Kagaya ng sinabi ko kanina, Saturday pa lamang ay may lumutang na po na lawyer sa kanila para i-assist,” ani Fajardo.

“Nagbanggit nga itong, accordingly, si Mr. Patidongan na sinabi na nasa korte na iyong kaso at haharapin na lamang po nila at doon sila sasagot dito sa mga akusasyon na sinampa sa kanila,” dagdag niya.

Nitong Biyernes, anim sa akusado sa mga kaso ng missing sabungeros sa Manila ang naaresto sa Parañaque, base kay Philippine National Police chief Police General Benjamin Acorda.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Julie Patidongan, Carlo Zabala, Virgilio Bayog, Roberto Matillano, Jr., Johnry Consolacion, at Gleer Codilla, na security personnel sa Manila Arena.

Nitong January 2022, naghain ng pormal na reklamo laban sa mga suspek ang mga pamilya ng missing sabungeros na sina John Claude Inonog, Rondel Cristorum, Mark Joseph Velasco, Rowel Gomez, and brothers James Baccay at Marlon Baccay.

Pagsapit ng March 2022, sinampahan naman ng anim na counts ng kidnapping and serious illegal detention ang anim na suspek sa Department of Justice (DOJ).

Buwan ng Enero ng kasalukuyang taon naman nang magsampa ang DOJ ng kidnapping and serious illegal detention charges laban sa anim na indibidwal na sangkot umano sa pagkawala ng sabungeros sa Manila Regional Trial Court.

Ang Manila Arena case o “Case 1” ang isa sa walong kaso ng missing sabungeros na iniimbestigahan ng CIDG sa pamamagitan ng Special Investigation Task Group Sabungero. RNT/SA

Previous articlePiso humina sa P56.866:$1
Next articlePNP nakapagtala ng 35 insidente ng karahasan na posibleng konektado sa 2023 BSKE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here