Home METRO Mga taniman sa Ilocos, Nueva Ecija pineste

Mga taniman sa Ilocos, Nueva Ecija pineste

MANILA, Philippines – Sinalanta ng mga peste ang ilang taniman sa Ilocos Norte at Nueva Ecija.

Ayon kay Ilocos Norte City Agriculture Office, target ng mga whiteflies ang mga pananim, partikular na ang cauliflower dahil sa nagbabagong panahon.

Nababahala naman ang mga magsasaka na kailangan nilang anihin kaagad ang mga pananim dahil sa mga peste.

Dahil dito, inabisuhan ang mga magsasaka na gumamit muna ng insecticide upang maiwasan na mas marami pang pananim ang mapeste.

Samantala, nahaharap naman sa armyworm infestation ang mga magsasaka ng sibuyas sa Bongabon, Nueva Ecija.

Mahigit 30 ektarya ng taniman sa pitong barangay sa nasabing bayan ang bahagyang napinsala dahil sa mga peste.

Kasalukuyan nang inaagapan ng lokal na pamahalaan at Department of Agriculture na mas marami pang pananim ang maapektuhan sa Nueva Ecija, kasabay ng pagbibigay ng tulong sa mga apektadong magsasaka. RNT/JGC

Previous articlePagbabayad ng buwis sa QC pinadali ng digitalization
Next articleQCPD muling humingi ng tawad sa leaked video ni Ronaldo Valdez