Home NATIONWIDE Mga tauhan ng PCG nakipambuno sa pasahero ng RoRo na nag-amok at...

Mga tauhan ng PCG nakipambuno sa pasahero ng RoRo na nag-amok at nagbitaw ng bomb threat

MANILA, Philippines – Nakipambuno ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) bago tuluyang maaresto ang isang pasahero ng RoRo na nag-amok at nagbanta ng bomb threat sa Port of Batangas.

Sa ulat ng PCG, agad na tumugon sina CG SN1 Christian Leden Marquez at CG SN1 Elmer Dacanay para arestuhin ang suspek.

Nangyari ito noong Nobyembre 22 kung saan isa sa pasahero ng barko ang pinagtangkaan ng lalaking suspek.

Sinubukan din nitong agawin ang baril ng naka-duty na sea marshal at sinuntok habang siya ay inaawat sa kanyang pag-aamok.

Habang nakikipambuno ang mga tauhan ng PCG, sinabi ng suspek na may itinanim siyang bomba sa loob ng barko kaya naman dali-daling pinababa ang lahat ng pasahero.

Isinagawa ang pagsusuri ng mga miyembro ng Coast Guard K9 Unit-BARMM at sinuyod ang barko ngunit walang nakitang bomba.

Dinala sa presinto ang suspek, na nahaharap sa patong-patong na kaso. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePagtaas sa influenza-like cases bumabagal na – DOH
Next articleMayor Tiangco, PESO nagbigay ng maagang Pamasko sa 75 profiled child laborers